Nagdelara na ang mga lalawigan ng Leyte at South Cotabato ng state of calamity dahil sa paglobo ng kaso ng dengue.
Sa ngayon ay halos 500 na ang namatay sa dengue sa 2 lalawigan habang nasa 116,000 ang nagkasakit mula simula ng taong 2019.
Ang Zamboanga Sibugay, na nagtala ng halos 2,000 percent na pagtaas sa dengue cases mula Enero, ay ang unang probinsya sa bansa na nag-apruba ng deklarasyon noong July 16 at nagbigay-daan sa paglalabas ng calamity funds para tugunan ang sakit.
Una nang nadeklara ng Department of Health (DOH) ng nationwide dengue alert noong July 15. Mula noong Enero, nasa 491 katao na ang namatay sa dengue.
Mula Enero hanggang July 12 sa Leyte, liban sa Taclocan at Ormoc, naitala ng 1,747 kaso at anim ang namatay.
Sa Tacloban ay mayroong 4,078 kaso at anim din ang nasawi.
Ang top 5 sa lugar sa Leyte na may mahigit 100 kaso ng dengue ay ang Baybay City (155); Jaro (126); Palo (123); Sta. Fe (217) at Alangalang (118).
Sa Koronadal City, South Cotabato, naubusan na ang mga pribadong ospital ng kwarto para sa dumaraming pasyente.
Hanggang araw ng Linggo, tumanggi na ang tertiary hospital na Allah Valley Medical Specialists Center ng reservations dahil puno ang lahat ng kanilang mga kwarto.
Pero pinayuhan ng ospital ang mga pasyente na mag-register para sa admission pagkatapos ay mag-hintay ng emergency room para sa halagang P500 sa bawat 4 na oras para sila ang priority kapag na-discharge na ang mga pasyente.
Wala na ring kwarto sa Socomedic Medical Center habang sa Dr. Arturo P. Pingoy Medical Center kung saan isang kama lang sa ward ang bakante.
Sa tala ng provincial health office, 3,347 ang dengue cases sa South Cotabato mula January 1 hanggang July 13 na 149 percent na pagtaas mula sa 1,334 kaso ng sakit sa parehong panahon noong nakaraang taon.
Namonitor din ang 21 na patay dahil sa dengue sa lalawigan na “above the epidemic threshold.”
Sa 10 bayan sa South Cotabato, nagdeklara na ng state of calamity sa Surallah, Tanttangan, Norala, Banga, Santo Niño.