3 maswerteng mananaya wagi sa P8.9M jackpot ng Mega Lotto 6/45

Tatlong maswerteng mananaya ang mag-uuwi sa P8.9 milyong jackpot ng Mega Lotto 6/45 sa draw Lunes ng gabi.

Ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), ang winning combination ay 07–25–04–23–11–08.

Ang kabuuang halaga ng jackpot ay P8,910,000 ngunit dahil may 20 percent tax na ibabawas dahil bunsod ng TRAIN Law, ang matitira ay P7,128,000 at paghahatian ito ng tatlo.

Samantala, 77 naman ang nakakuha sa limang numbero na may consolation prize na P7,620 kada isa.

Wala namang nakasungkit sa P59.5 milyong jackpot prize ng Grand Lotto 6/55 na may winning combination na 34–37–40–21–04–05.

 

Read more...