LOOK: Mga senador ng 18th Congress

Sinimulan na ng Senado ang una nitong regular session bago ang ikaapat na State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte Lunes ng hapon.

Sa unang sesyon, nahalal muli si Vicente Sotto III bilang Senate President.

Nag-pose para sa isang group photo ang mga Senador ng bagong 18th Congress.

Wala sa larawan si Sen. Manny Pacquiao na katatapos lamang ng laban kay Keith Thurman habang si Sen. Leila de Lima ay nakaditene sa national police headquarters sa Quezon City.

 

Read more...