WATCH: Pangulong Duterte, kumanta ng “Ikaw,” “Moon River” pagkatapos ng SONA

Photo grab from PCOO’s Facebook live

Sinundan ni Pangulong Rodrigo Duterte ng pagkanta ang kaniyang ikaapat na State of the Nation Address (SONA), Lunes ng gabi.

Matapos ang pagbibigay ng talumpati, kumanta ang pangulo ng Pinoy love song na “Ikaw” at pinasikat na kanta ni Audrey Hepburn na “Moon River” ni Henry Mancini.

Tumugtog para sa pangulo ang Philippine Philharmonic Orchestra sa Kamara.

Matapos ang pagkanta, niyaya pa ng pangulo ang grupo na maghapunan sa Palasyo ng Malakanyang.

Hindi ito ang unang pagkakataon na kumanta ang pangulo sa publiko.

Read more...