Nais din ni Pangulong Rodrigo Duterte na maipasa ang mga batas na magpapatibay ng defense system ng bansa.
Sa kaniyang ikaapat na State of the Nation Address (SONA), hiniling ng pangulo sa Kamara ang pagpapasa ng National Defense Act, Uniformed Separation and Retirement Pension Bill.
Maliban dito, importante rin aniya ang panunumbalik ng mandatory Reserve Officers’ Training Corps (ROTC) para sa mga estudyante sa Grade 11 at 12.
Sa ngayon, sinabi ni Duterte na hindi makakatulong ang mga kabataang Pinoy para depensahan ang bansa at kanilang pamilya sakaling mayroong sumiklab na giyera.
“Alam mo ‘pag magkagiyera-giyera, 10 out of 10 hindi marunong humawak ng baril to defend even his father and mother and brothers and sisters… I think military training will be good for everybody,” pahayag ni Duterte.