Mga basura, nagkalat sa IBP road matapos ang pro-Duterte rally

Kuha ni Fritz Sales

Nakabalandra ang samu’t saring basura sa pinagdausan ng pro-Duterte rally sa isinarang bahagi ng IBP road sa Quezon City.

Sa kabila ito ng mga paalala ng mga nag-organisa sa mga dumalo na bitbitin ang kanilang mga kalat bago umalis sa naturang daan.

Nagsimula naman nang magwalis ang mga tauhan ng Barangay Hills para ipunin at itapon ang kalat na basura.

Samantala, walang naitalang aksidente habang isinasagawa ang protesta.

Sa kabuuan, naging mapayapa ang pagdaraos ng programa dahil bantay-sarado ng mga otoridad ang lugar.

Nagsimula ang rally bandang 10:00 ng umaga bilang pagpapakita ng suporta sa ikaapat na State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Read more...