LOOK: Pagsusulat ng ilang raliyista sa pader ng MRT-7

Nagsulat ang ilang raliyista sa ikaapat na State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pader ng MRT-7 project.

Base sa mga larawan, makikita ang mga nakasulat na “Oust Du30” at “Du30 Taksil” gamit ang spray paint sa pader.

Ginawa rin itong paraan ng mga raliyista para iparating ang hinaing sa gobyerno.

Isinulat din ng mga raliyista ang “Sahod Itaas, Presyo Ibaba.”

Ayon kay Emmanuel Amarinero, detahcment commander ng Blackhounds Security and Investigation Agency Inc. ng MRT-7 project, nasulatan ng mga raliyista ang bagong gawang pader para sa rail track ng tren.

Read more...