Pangulong Duterte: “I will end my term fighting”

Photo grab from PCOO’s Facebook live

“I will end my term fighting”

Ito ang unang pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pagsisimula ng kaniyang ikaapat na State of the Nation Address (SONA).

Binanggit ng pangulo ang mga problema na pinagdaan ng administrasyon sa maisaayos ang Pilipinas.

Tiniyak ng pangulo na lalaban siya hanggang matapos ang kaniyang termino sa taong 2022.

Nagpasalamat naman si Duterte sa lahat ng opisyal ng gobyerno na tumulong para maipatupad ang mga adhikain at nasimulang proyekto ng pamahalaan.

Patunay aniya rito ang landslide victory ng mga kandidato ng administrasyon sa nakalipas na 2019 midterm elections.

Maliban dito, sumasalamin din aniya ang suporta sa kaniya sa nakuhang mataas na approval at trust rating.

Opisyal na nagsimula ang talumpati ng pangulo bandang 5:15 ng hapon.

Read more...