Soberanya at demokrasya sa 18th Congress, inaasahan ng grupong Kilusan

Inaasahan ng grupong Kilusan na maisasama ang usaping sa soberanya at demokrasya ng bansa sa pagbubukas ng 18th Congress.

Ayon kay Atty. Virgie Suarez, secretary-general ng Kilusan para sa Pambansang Demokrasya, nais ng grupo na matuldukan na ang isyu sa agawan sa West Philippine Sea at maninidigan ang gobyerno na ito ay sakop ng Pilipinas.

Aniya, paalisin na ang China sa West Philippine Sea para makapangisda nang malaya at walang takot ang mga mangingisdang Pinoy.

Dagdag pa niya, umaasa rin sila na maamyendahan sa 18th Congress ang mga batas gaya ng 2007 Human Security Act at pagpapababa ng edad para sa criminality responsibility.

Hinihiling din nila na wakasan na ang war on drugs ng gobyerno dahil tanging mga inosenteng bata at mahihirap ang mga biktima rito.

Pinaalalahanan pa nito ang gobyerno at publiko na panatilihing pairalin ang demokrasya sa bansa para sa malayang Pilipino.

Read more...