Magnitude 4.1 na lindol tumama sa Batanes

Phivolcs photo

Tumama ang magnitude 4.1 na lindol sa Batanes, Lunes ng tanghali.

Sa datos ng Phivolcs, namataan ang episentro ng lindol sa layong 126 kilometers Southwest ng Itbayat bandang 12:06 ng tanghali.

May lalim ang lindol na 2 kilometers at tectonic ang origin.

Gayunman, sinabi ng Phivolcs na walang napaulat na pinsala sa mga ari-arian sa lugar.

Wala ring inaasahang aftershocks matapos ang pagyanig.

Read more...