LOOK: Kasuotan ng mga babaeng senador sa pagbubukas ng 18th Congress, naging simple

Naging simple ang kasuotan ng mga babaeng senador sa pagbubukas ng 18th Congress ngayong araw ng Lunes, July 22.

Sa pagpunta sa Senate session hall, nakasuot si Sen. Grace Poe ng puting midi dress na gawa ni Paul Cabral kasama ang ina na si Susan Roces at asawang si Niel.

Nakasuot naman si Sen. Nancy Binay ng Piña terno na gawa ng designer na si Randy Ortiz.

Halos pareho rito ang Piña barong ni Sen. Cynthia Villar.

Samantala, hango naman sa business suit ang suot ni Sen. Imee Marcos habang modern Maria Clara na top at pants naman kay Sen. Pia Cayetano.

Gawa naman ni Joel Acebuche ang contemporary Piña barong ni Sen. Risa Hontiveros.

Read more...