Pangulong Duterte, late sa kanyang ikaapat na SONA

Naantala ang pagdating ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang ikaapat na State of the Nation Address (SONA).

Pasado sa 4:00 ng hapon wala pa sa Batasang Pambansa ang pangulo.

Pero ilang minuto bago mag alas 4:00 ay ipinatupad na ang lockdown sa Kamara.

Wala nang pinayagang makapasok at ang sinabi ng security sa Kamara ay iiral ang lockdown hanggang sa maka-depart ang pangulo.

Alas 4:14 ng hapon ay nasa Bahay Pagbabago pa umano si Pangulong Duterte ayon sa Presidential Security Group (PSG).

Hindi naman malinaw kung ang pag-ulan ang dahilan kaya nabinbin ang pag-alis ng pangulo.

Read more...