Lightning Red Alert, inalis na sa NAIA

MIAA photo

Inialis na ang Lightning Red Alert sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA), araw ng Lunes (July 22).

Sa abiso ng Manila International Airport Authority (MIAA), itinaas ang alerto bandang 2:03 ng hapon.

Pansamantalang sinuspinde ang flight at ground operations dahil sa posibleng panganib na dulot ng thunderstorm sa paliparan.

Makalipas ang labing-limang minuto, agad inialis ang alerto bandang 2:18 ng hapon.

Dahil dito, nagbalik na sa normal ang operasyon sa NAIA.

Read more...