60% ng mga Pinoy, naniniwalang hindi dapat pigilan ang imbestigasyon sa war on drugs – SWS survey

SWS photo

Naniniwala ang nasa anim na pung porsyento ng mga Filipino na hindi dapat pigilan ng gobyerno ang pagsasagawa ng imbestigasyon ng international groups sa mga nasawi sa kampanya kontra ilegal na droga, batay sa pinakahuling survey ng Social Weather Stations (SWS).

Batay sa resulta, lumabas na 26 porsyento sa mga Pinoy ang ‘strongly agree’ habang 34 porsyento ang ‘somewhat agree’ sa pag-iimbestiga ng international groups tulad ng United Nations (UN) sa war on drugs ng pamahalaan.

Samantala, nasa 15 porysento ang ‘disagree’ kung saan 7 porsyento ang ‘strongly disagree’ habang 8 porsyento naman ang ‘somewhat disagree.’

Lumabas din sa resulta na 25 porsyento ang ‘undecided.’

Ginawa ang survey ilang linggo bago in-adopt ng United Nations Human Rights Council (UNHRC) ang resolusyon para sa ‘comprehensive international report sa sitwasyon sa karapatang pantao sa Pilipinas.

Isinagawa ang survey sa pamamagitan ng face-to-face interview sa 1,200 adults sa buong bansa mula June 22 hanggang 26 ngayong taon na may margin error na ±3 percent.

Read more...