Suspek na 13 taon nang tinutugis, timbog sa Maynila

Inquirer file photo

Timbog ang suspek sa kasong murder na 13 taon nang tinutugis sa Tondo, Maynila.

Ayon kay Manila Mayor Isko Moreno, nahuli ng mga tauhan ng Manila Special Mayor’s Reaction Team ang suspek na si Ricky Bacani, 36-anyos, noong araw ng Huwebes (July 18).

Inilabas ng Manila Regional Trial Court Branch 17 ang warrant of arrest laban kay Bacani noon pang July 18, 2006.

Ayon sa alkalde, nagresulta ang pagkakaresto kay Bacani sa isinagawang surveillance operations sa Tondo.

Hinikayat naman ni Moreno ang mga wanted na suspek na sumuko na sa mga otoridad.

Read more...