Andanar: Kapalaran ng ABS-CBN nasa kongreso wala kay Duterte

File photo

Tiniyak ng Malacanang na hindi haharangin o ibi-veto ni Panguong Rodrigo Duterte ang franchise renewal ng ABS-CBN kapag nakalusot na sa kongreso ang panukalang batas.

Ayon kay Presidential Communications Operations Office (PCOO) Sec. Martin Andanar, nasa kamay ngayon ng kongreso ang kapalaran ng ABS-CBN.

Sinabi pa ni Andanar na hindi naman naging categorical ang mga pahayag ni Pangulong Duterte na ayaw na nitong ipa-renew ang prangkisa ng naturang media network.

Nakatakdang mag-expire ang prangkisa ng ABS-CBN sa March 30, 2020.

Una rito, binabatikos ni pangulong duterte ang ABS-CBN dahil sa hindi patas na pagbabalita at hindi pag-eere ng kanyang political advertisement noong 2016 presidential elections kahit bayad na.

“Never ko pa narinig kay Presidente na sinabi niya categorically na ‘hindi ko ieextend ng franchise.’ Alam ko sinasabi niya lang ‘yung sama ng loob niya during 2016 elections, na naglagay siya ng pera hindi lumabas yung advertisements. Doon siya nagagalit,” ayon pa sa kalihim.

Read more...