Bilang ng mga Pinoy na gutom dumami ayon sa SWS survey

Inquirer file photo

Tumaas nang bahagya ang bilang ng mga pamilyang Filipino na nakararanas ng gutom sa ikalawang bahagi ng 2019, batay sa panibagong survey ng Social Weather Stations (SWS).

Sa resulta ng survey, lumabas na 10 porsiento o 2.5 na milyong pamilya ang nakararanas ng involuntary hunger sa nakalipas na tatlong buwan.

Mas mataas ito sa naitalang 9.5 porsiento o 2.3 na milyong pamilya noong Marso 2019.

Sa 10 porsiento, umaabot sa 8.7 percent o kabuuang 2.1 na milyong pamilya ang nakararanas ng “moderate hunger” habang 1.3 porsyento o 320,000 na pamilya ang nakararanas ng “sever hunger.”

Naitala ang pinakamataas na hunger incidence sa Metro Manila na may 15.7 porsyento.

Sumunod ang balance Luzon na may 9.3 porsiento, Visayas na may 8.7 porsiento at Mindanao na may 9 percent.

Isinagawa ang survey sa pamamagitan ng face-to-face interview sa 1,200 adults sa buong bansa mula June 22 hanggang 26 ngayong taon.

Read more...