Nakakuha ng 266 na boto si Cayetano habang 28 lamang ang boto na nakuha ni Manila Cong. Benny Abante.
Mayroon namang dalawang nag-abstain.
Dahil mayroong napagkasunduang term-sharing, inaasahang makalipas ang 15 buwan ay magbibitiw bilang house speaker si Cayetano.
Muling magpapatawag ng eleksyon kung saan ihahalal naman si Marinduque Rep. Lord Allan Velasco.
Samantala, nahalal naman majority leader ng kamara si Leyte Rep. Martin Romualdez.
MOST READ
LATEST STORIES