18th Congress pormal nang nagbukas

Pormal nang nagbukas ang sesyon ng 18th Congress ilang oras bago ang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Alas 10:00 ng umaga nang plenaryo nagtipun-tipon na sa plenaryo ang mahigit 300 kongresista.

Si House Secretary General Dante Roberto Maling ang nagsilbi munang presiding officer habang hindi pa nakapaghahalal ng mga bagong lider ng Kamara.

Inumpisahan ang pagbubukas ng sesyon sa pamamagitan ng Pambansang Awit na sinundan ng pananalangin.

Ihahalal ng mga kongresista ang magiging bagong house speaker at iba pang lider ng Kamara.

Read more...