SONA ni Pangulong Duterte sesentro sa huling kalahati ng kanyang termino ayon kay Sen. Angara

Inaasahan ni Senator Sonny Angara na ang State of the Nation Address o SONA ni Pangulong Rodrigo Duterte ay sesentro sa mga balakin ng kanyang administrasyon sa huling bahagi kanyang anim na taon na termino.

Ayon kay Angara ang partikular na nais marinig ng taumbayan ay ang mga plano at target ni Pangulong Duterte at kung paano niya ilalatag ang mga ito.

Dagdag pa ng senador makakabuti kung ipagdidiinan ng punong ehekutibo ang mga prayoridad ng kanyang administrasyon.

Inaasahan din na magiging direkta ang Pangulong Duterte sa mga problema na kailangan nang maresolba at maging sa mga aspeto kung saan nagkulang ang kanyang gobyerno.

Aniya ang istratehiya ay aminin ang problema at hikayatin ang taumbayan na tumulong sa pagresolba.

Ayon pa kay Angara, mahalaga sa SONA ang 2020 budget dahil ito ang ito ang maglalatag ng mga kahaharapin ng bansa sa pagpasok ng bagong dekada.

Read more...