Elizabeth Zimmerman, Sara Duterte hindi dadalo sa SONA ni Pangulong Duterte

Courtesy of Sara Duterte
Hindi dadalo sa ikaapat na State of the Nation Address ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kaniyang dating asawang si Elizabeth Zimmerman.

Ayon kay Presidential Daughter at Davao City Mayor Sara Duterte, aalagaan kasi ni ginang Elizabeth ang kanyang mga anak.

Ito ang kauna-unahang pagkakataon na hindi dadalo sa SONA ni Pangulong Duterte si ginang Elizabeth.

Naka-medical leave si Mayor Sara sa loob ng 60 araw dahil sa gynecological condition.

Ayon kay Mayor Sara, panonoorin na lamang niya ang SONA ng kanyang ama sa tahanan ng kanyang inang si ginang Elizabeth.

Hindi rin dadalo sa SONA si Presidential son at Davao City Vice Mayor Sebastian Duterte.

Dahil naka-medical leave si Mayor Sara, ang kanyang kapatid na si Vice Mayor Sebastian muna ang tumatayong mayor ng Davao City.

Read more...