Daloy ng traffic sa Quezon City maagang nagsikip bahagi ng Commonwealth Ave. at IBP Road sarado na

Maagang nagsikip ang daloy ng traffic sa Commonwealth Avenue sa Quezon City.

Alas 4:30 ng madaling araw, mahaba-haba na ang pila ng mga sasakyan sa Commonwealth patungong Sandiganbayan.

Isinara na kasi ang bahagi ng eastbound lane ng Commonwealth at nagbukas ng zipper lane sa westbound lane.

Sinimulan na rin ang pagtatayo ng stage na gagamitin ng mga magpoprotesta.

Sa IBP Road naman sarado na rin ang eastbound lane bilang paghahanda sa seguridad sa SONA.

May mga pulis nang nakapwesto sa Litex hanggang sa South gate ng House of representatives.

May dagdag pwersa pa ng mga pulis mula sa Police Regional Office 3 at PNP-SAF para magbigay ng seguridad.

Read more...