Keith Thurman, nais magkaroon ng rematch vs Pacquiao

Nais ni American boxer Keith Thurman na magkaroon ng rematch laban kay Filipino boxing icon at Senator Manny Pacquaio.

Ayon kay Thurman, nais niya pa sanang makipagsabayan kay Pacman dahil naramdaman niya ang pagod ng Pinoy boxer.

Ngunit, umiral aniya ang mahabang karanasan ni Pacquiao sa loob ng ring.

Ang kakulangan aniya sa kaniyang conditioning at output ang naging rason ng pagkatalo kay Pacquiao.

Gayunman, itinuturing pa rin ni Thurman ang laban bilang isang ‘blessing’ dahil sa mga natutunan dito.

Nagpasalamat din ang boksingero sa lahat at maging sa Pambansang Kamao.

Read more...