Pacquiao, binati ni Manila Mayor Moreno sa tagumpay vs Thurman

Napaabot din ng pagbati si Manila Mayor Isko Moreno kay Pambansang kamao Manny Pacquiao.

Sabi ng slkalde, ipinamalas ni Pacman ang galing ng lahing Pilipino sa larangan ng pagboboksing.

Tulad ng aniya ng kanyang mga kapwa Batang Maynila, si Pacman ay galing sa hirap at nagsumikap sa maraming aspeto ng buhay, mapa-pulitikal man o sa larangan ng boksing.

Kaya’t nakikiisa aniya ang pamahalaang lungsod ng Maynila sa sambayanang Pilipino na nagdiriwang ng kanyang pagkapanalo ng WBA Super World Welterweight title laban kay Keith Thurman sa MGM Grand sa Las Vegas, USA.

Sabi ni Moreno, hindi mapapantayan ang ipinamalas na husay at galing ni Pacman na marami nang beses na kinilala sa iba’t ibang dako ng mundo.

Read more...