Ito ang sinabi ni Presidential Communications Operations Office (PCOO) Secretary Martin Andanar dahil ilalatag na aniya ng Presidente ang mga plano nito para sa bansa at sambayanan ang huling tatlong taon ng kanyang termino sa gobyerno.
Kasabay nito ay iuulat din ng punong ehekutibo ang mga naisakatuparan na nitong mga proyekto at programa sa nakalipas na tatlong taon.
Sabi ng Kalihim, tungkol sa “legacy building” na tinawag din niyang
Duterte legacy ang magiging pokus ng administrasyon sa susunod na tatlong taon sa posisyon ng pangulo.
Ito aniya ay nakatutok sa poverty alleviation, imprastraktura at peace and order.
Dagdag pa ng kalihim na puntirya ng gobyernong Duterte na maibaba ang antas ng kahirapan ng hanggang 14% mula sa 21% at maiparamdam sa taumbayan ang pag-angat ng ekonomiya.