Magpapatupad ang National Capital Region Police Office (NCRPO) ng tinatawag na “Bag Checking Measure” sa mga lalahok sa kilos-protesta sa SONA ng Pangulo sa Lunes, Hunyo 22.
Layun nito ayon kay NCRPO Chief Major General Guillermo Eleazar na matiyak ang kaligtasan ng publiko sa gitna ng mga pagkilos.
Pero nilinaw ng opisyal na ang inspeksiyon ay para lamang sa mga indibiduwal o personalidad na may kahina-hinalang kilos.
Hindi rin aniya bubusisiin ang mga personal na gamit ng mga raliyista.
Sabi ni Eleazar, may mga protocol o panuntunan na susundin sa rally at kung talagang kinakailangan ay iinspeskiyunin nila ang dala-dalang bagahe o bag ng isang indibiduwal.
MOST READ
LATEST STORIES