Ayon sa inilabas na datos ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa), magdadala ang Habagat sa Northern Luzon ng maulap na kalangitan na may pag-ulan at pagkidlat.
Partikular na maaapektuhan ang Ilocos Region at Codillera Administrative Region.
Makakaranas naman ng bahagya maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may mga pag-ulan dala ng localized thunderstorms and Metro Manila at iba pang parte ng bansa.
Nagbababa naman ang ahensya sa banta ng mga pagbaha at pagguho ng lupa dahil sa malakas na ulan.
MOST READ
LATEST STORIES