WATCH: Mayor Isko nilinis ang Bonifacio Shrine gamit ang pressure washer

Screengrab of Mayor Isko Moreno video

Itinuring ni Manila Mayor Isko Moreno na “Isko-ba” ang ginawa niyang paglilinis sa Bonifacio Shrine sa tabi ng city hall.

Gamit ang pressure washer, nilinis ni Moreno ang monumento araw ng Sabado.

Ilang araw lang ang nakalipas nang nakaapak ang Alkalde ng dumi ng tao habang iniinspeksyon ang lugar.

Dahil dito ay pinalinis ni Mayor Isko ang bantayog at ang paligid nito gayundin ay giniba ang mga tindahan na nasa gilid nito.

Mula nang malinis at malagyan ng mga capiz lights ay marami ng residente at maski mga taga-labas ng Maynila ang nagpupunta sa parke na nasa likod ng Bonifacio Shrine.

Read more...