Mga pasahero sa pantalan, dagsa na

pantalanDagsa na sa Batangas port ang mga pasahero na uuwi sa iba’t ibang probinsya.

Ayon sa Philippine Coast Guard (PCG), aabot sa 15,000 pasahero ang nasa Batangas port.

Karamihan sa mga pasahero ay patungo ng Oriental Mindoro, Occidental Mindoro at Romblon.

Patungo naman ng Iloilo at Aklan sa Visayas region ang ibang pasahero.

Ayon sa PCG, lahat ng mga pasahero ay nagmamadali na makauwi sa kani-kanilang probinsya para makapagdiwang
ng Pasko.

Ilan sa mga pasahero ay nahihirapan nang makakuha ng ticket dahil sa sold out ito.

Ipinagbabawal ng PCG ang pagdadala ng mga bladed weapon at iba pang uri ng mga pampasabog.

Read more...