5 lalaking gumagamit ng shabu, arestado sa Pasig City

Huli sa akto ang limang kalalakihan na gumagamit umano ng shabu sa isinagawang buy-bust operation sa Pasig City, Sabado.

Naaktuhan ang mga suspek na nakilala ng mga pulis na sina alyas “Mauro,” 47, alyas “Junie”, 41, alyas “Rofe,” 30, alyas “Jonathan,” 22, at alyas “Ariel”, 21 sa loob ng isang bahay sa Barangay Pinagbuhatan na pinaniniwalaang drug den sa lugar.

Pitong sachet ng hinihinalang shabu na may timbang na 10 gramo at tinatayang nagkakahalaga ng P68,000 ang nakuha mula sa mga suspek.

Isinagawa ang buy-bust operation sa lugar nang itimbre ng ilang mga residente na talamak ang transaksyon ng iligal na droga doon.

 

Read more...