Manny Pacquiao at Keith Thurman kapwa pasok sa timbang para sa WBA welter-weight fight

Kapwa pasok sa tamang timbang sina Manny Pacquiao at ang American boxer na si Keith Thurman sa ginanap na weigh-in sa MGM Garden Arena sa Las Vegas, Nevada sabado ng umaga.

Magkapareho ang timbang ng dalawang boksingero na kapwa pumasok sa 146.5 pounds.

Bago ang weigh-in ay nagkaroon muna ng face off ang dalawa kung saan tumagal nang higit sa isang minuto ang kanilang titigan.

Tiniyak naman ni Pacquiao na handa na siya sa laban bukas.

Ang nasabing weigh-in ay sinaksihan ng maraming mga Filipino sa Las Vegas.

Paglalabanan nina Pacquiao at Thurman ang WBA world welterweight sa 12-round title fight sabado ng gabi o linggo ng umaga dito sa Pilipinas.

 

Read more...