Nasungkit ni Pope Francis ang Charlemagne Prize isang prominent annual German award dahil sa pagtataguyod ng
European values.
Dahil dito, tatanggap ang Santo Papa ng medalya.
Gagawin ang seremonya sa Rome pero wala pang itinakdang petsa.
Nabatid na binigyang pagkilala ang Santo Papa dahil sa moral leadership nito nang dumagsa ang mga refugee sa
Europa mula ng World War II.
Partikular na iniapela ng Santo Papa na magkaroon ng economic at social change sa European Union.
Malinaw ang paninindigan ng Santo Papa para sa peace, understanding, mercy, tolerance, solidarity at conservation
of creation.
Ayon sa pahayag ng Vatican, bagaman hindi tumatanggap ang Santo Papa ng mga parangal, kukunin pa rin nito ang
Charlemagne prize.
Una nang nakakuha ng kaparehong award sina German Chancellor Angela Merkel, dating French president Francois
Mitterrand at Czech president Vaclav Havel.