Ito ay dahil sa dami ng mga pasahero na mag-uuwian sa kani-kanilang probinsya ngayong panahon ng Kapaskuhan.
Sa bahagi pa lamang ng Santolan northbound lane at Ortigas Avenue, ginawa nang paradahan ng mga provincial bus ang naturang kalsada.
Hindi kasi makapasok sa Araneta Center ang mga bus dahil sa dami ng mga pasahero.
Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni Quezon City Police director Chief Supt. Edgardo Tinio na agad niyang tutukan ang naturang problema.
Makikipag-ugnayan aniya ang QCPD sa hanay ng Highway Patrol Group at Department of Public Order and Safety ng Quezon City hall para maalis ang mga bus na nakaparada sa kahabaan ng Epifanio delos Santos (Edsa) Avenue.
Sinabi pa ni Tinio na hindi lang ang ang tutukan ng kanilang hanay kundi maging ang iba pang mga matataong lugar gaya ng mga mall para masiguro ang kaligtasan ng publiko.