‘Philhealth Scandal’ hindi palalagpasin ni Sen. Bong Go

Tiniyak ni Senator Christopher ‘Bong’ Go na hindi siya mananahimik ukol sa nabunyag na anomalya sa paggamit ng pondo ng Philhealth.

Sinabi nito sa mga dumalo sa 86th National Annual Convention of the Philippine Public Health Association Inc., sa Davao City na dapat managot ang lahat ng mga sangkot sa korapsyon sa Philhealth.

Aniya nagsusumikap ang gobyerno na mabigyan ng maayos na serbisyong medikal ang mamamayan at sa likod nito ay pinagnanakawan ng pondo ang gobyerno.

Dagdag pa nito, hindi niya lubos maisip na may gumagawa pa ng kalokohan gayun napakaraming Filipino ang nangangailangan ng tulong para sa kanilang mga pangangailangang medikal.

Kasabay nito, pinapurihan ang senador sa patuloy na paglalagay niya ng mga Malasakit Center sa iba’t-ibang ospital sa bansa.

Sinabi ng mga opisyal ng iba’t-ibang health groups, malaking tulong ang Malasakit Center sa mga mahihirap na pasyente dahil alam nila na makakapagpagamot sila.

 

Read more...