Ilang pilipino crew na kasama sa barko ng Britanya, pinigil ng Iran

May mga Filipino crew sa barko ng Britanya na pinigil ng Iranian Revolutionary Guard.
Ayon sa operator ng Stena Impero, nasa 23 ang crew ng barko na kinabibilangan ng Indian, Russian, Latvian at Filipino nationality.

Kasabay nito, tiniyak ng kompanya na ligtas naman ang mga tripulante ng barko.

Ang Stena Impero ay hinarang ng awtoridad habang naglalayag sa Strait of Hormuz dahil umano sa paglabag sa international regulations.

Pero nanindigan ang kompanya na wala silang nilalabag sa patakaran.

 

Read more...