Bilang ng pamilyang pilipino na nagsabing sila ay mahirap umaabot sa 11.1m ayon sa SWS survey

Tumaas ng pitong puntos ang bilang ng pamilyang Pilipino na nagsasabing sila ay mahirap.

Ito’y ayon sa survey ng Social Weather Stations (SWS) para sa second quarter ng taon.

Sa nasabing survey umabot sa 45% o 11.1 milyon na pamilya ang kinokonsidera ang sarili bilang mahirap.

Mataas ito sa record-low na 38 % o 9.5 milyon na pamilya na naitala noong buwan ng Marso.

Ang survey ay ginawa noong June 22 hanggang 26 gamit ang face-to-face interviews sa 1,200 na respondents sa buong bansa.

Tumaas din ang bilang ng pamilya na “food poor” na nasa 35% o katumbas ng 8.5 milyon na pamilya.

Mas mataas din ito sa record-low na 27% na naitala noong Marso.

 

Read more...