No-fly-zone idineklara ng CAAP sa paligid ng Batasan Complex

Isinailalim ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) bilang “no fly zone” ang paligid ng Batasan complex sa Quezon City.

Kaugnay ito ng State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte sa lunes, July 22, 2019.

Ang deklarasyon ay iiral mula July 20 hanggang sa July 23, araw ng martes.

Dahil dito ipagbabawal ang lahat ng uri ng sasakyang panghimpapawid, kabilang ang mga remote controlled drones sa loob ng no-fly zone.

 

Read more...