Isa ang patay, 7 sugatan sa bangaan ng jeep at SUV sa Cebu City

Patay ang isang driver at pito ang sugatan sa banggaan ng isang pampasaherong jeep at isang SUV sa kahabaan ng General Maxilom Ave., sa Cebu City madaling araw ng sabado.

Kinilala ang nasawi na si Raul Largado, ang driver ng jeep na naipit sa manibela ng kanyang sasakyan.

Damay din sa banggaan ang isang motorsiklo sakay ang dalawang tao.

Lima sa sakay ng jeep ay nagtamo ng bali at sugat sa katawan.

Sa inisyal na imbestigasyon patungo ng Lapu-Lapu City ang pampasaherong jeep habang patungo naman ng Talisay City ang SUV.

Tinangka umano ng SUV na mag-overtake sa ibang sasakyan kaya nabangga nito ang jeep na galing naman ng isang gasoline station.

Nabatid pa na nakainom ng alak ang driver ng SUV na hawak na nakadetine na ngayon sa Parian Police Station.

 

Read more...