Sa 4am update ng weather bureau, sinabi ni weather specialist Meno Mendoza na southwest monsoon o Habagat ang nakakaapekto ngayon sa malaking bahagi ng Luzon.
Dahil sa Habagat, mararanasan ang mga pag-ulan sa Batanes, Calayan at Babuyan Group of Islands, Ilocos Region, Cordillera Administrative Region, Zambales at Bataan.
Sa Metro Manila at nalalabing bahagi naman ng bansa ay bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan ang mararanasan na may posibilidad ng mga pag-ulan dulot ng localized thunderstorms.
Samantala, nakataas pa rin ang gale warning at ipinagbabawal ang pagpalaot sa mga baybaying dagat ng Batanes, Calayan, Babuyan, northern coast ng Cagayan at Ilocos Norte.