Nakasama din sa pulong si Taguig Rep. Alan Peter Cayetano at pinabulaanan nila ni Philippine Sports Commission Chairman William Ramirez ang mga alegasyon, na anila ay walang basehan.
Isinagawa ang pulong matapos sabihin ni Pangulong Duterte na ang gobyerno na ang hahawak sa paghahanda sa biennial sports meet matapos makarating sa kanya ang mga diumanoy alingasngas sa organizing committee.
Matapos ang pulong, naging malinaw na ang lahat at magpapatuloy ang PHISGOC sa ginagawa nilang paghahanda.
Kasabay nito, tiniyak ni PHISGOC Executive Director Ramon Suzara na magiging transparent sila sa publiko at sa mga atleta sa lahat ng hakbangin na may kaugnayan sa ginagawa nilang paghahanda.
Dagdag pa nito, makikipagtulungan sila sa Department of Budget at Procurement Service para matiyak na ang kanilang paggasta ng pondo ay ayon sa mga itinakda ng gobyerno.