Bangkay ng 1 sa 2 nawawalang Pilipinong turista sa Thailand natagpuan na

FB photo

Natagpuan ang bangkay ng isa sa dalawang Pilipino na nawala sa isang beach sa Phuket, Thailand Biyernes ng gabi.

Nadiskubre ang katawan ni Noah “Twitt” Ibay II ng isa pang turista sa Freedom Beach, dalawang araw matapos maiulat na nawawala ito at ang kapwa Pinoy na si Angelo Bien Rafael Cortez.

Kinumpirma ng pamilya at mga kaibigan ni Ibay na nakita na ang bangkay nito.

Tinangay ng malakas na alon sa beach sina Ibay at Cortez noong Miyerkules ng hapon.

Nagbakasyon ang dalawa sa Phuket kasama ang 11 iba pa kabilang ang ama ni Cortez.

Patuloy naman ang paghahanap kay Cortez na isang registered nurse.

Hindi nagbigay ng pahayag ang pamilya ni Ibay pero humiling sila ng dasal at umaasa na makita na rin si Cortez.

 

Read more...