Arestado ang apat na katao dahil sa paglalaro ng sugal na pusoy sa Junjie St., Brgy. Kaligayahan, Quezon City.
Ang apat ay naaktuhan ng mga pulis mula sa Fairview Police Station nagasagawa ng follow-up operation matapos makatanggap ng sumbong na may nagsusugal sa lugar.
Kabilang sa mga naaresto ang 3 babae at isang lalaki.
Nakumpiska ng mga pulis ang isang set ng mga baraha at halaga ng taya na 420 pesos.
Ang apat ay nahaharap sa paglabag sa P.D 1602 o illegal gambling.
MOST READ
LATEST STORIES