Bagyong Goring humina, isa na lamang low pressure area

Humina at naging isa na lamang low pressure area (LPA) kaninang alas-8:00 ng gabi ang Tropical Depression Goring.

Sa 11pm severe weather bulletin ng PAGASA, huling namataan ang LPA sa layong 545 kilometro Hilaga Hilagang-Silangan ng Basco, Batanes.

Dahil naging LPA ay tinanggal na ang Tropical Cyclone Warning Signal No. 1 na itinaas sa Batanes.

Ngayong gabi, katamtaman hanggang sa paminsan-minsan ay malalakas na pag-ulan ang mararanasan sa Batanes.

Mahina hanggang katamtaman hanggang sa paminsan-minsan ay malakakas na pag-ulan naman ang iiral sa Ilocos Region at Babuyan Group of Islands.

Pinapayuhan pa rin ang mga residente sa nasabing mga lalawigan lalo na ang nasa mababang lugar na mag-ingat sa pagbaha at pagguho ng lupa.

Mapanganib at ipangbabawal pa rin ang paglalayag sa northern at western seaboards ng Northern Luzon at western seaboard ng Central Luzon.

Samantala ayon kay weather forecaster Gener Quitlong magiging alinsangan ang panahon sa araw ng State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Lunes, July 22.

Bahagyang maulap hanggang maulap na kalangitan ang iiral na may posibilidad naman ng mga pag-ulan bandang hapon o gabi dahil sa localized thunderstorms.

 

Read more...