Alokasyon ng tubig para sa domestic use mananatili sa 36 cms – NWRB

Kahit tumaas ang water level sa Angat dam walang magiging pagbabago sa water allocation para sa Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS).

Ayon sa National Water Resources Board (NWRB), mananatiling 36 cubic meters per second ang alikasyong tubig para sa MWSS.

Mas mababa pa rin kumpara sa 46 cms na normal na alokasyong tubig.

Sinabi ni NWRB Dir. Sevillo David Jr., nananatiling nasa critical level ang antas ng tubig sa Angat dam.

Dahil dito, aasahan pa rin ang pagpapatupad ng araw-araw na service interruptions ng Maynilad at Manila Water.

Read more...