Ayon kay Police Brigadier General Froilan Quidilla, regional director ng Police Regional Office sa Zamboanga Peninsula (PRO-9), ang mga ASG fighters ay mula Sulu at Basilan.
Sumuko sila sa Provincial Mobile Force Company sa Zamboanga del Sur at kalaunan ay dinala sa PRO-9 headquarters sa Zamboanga City.
Kinilala lamang ang mga bandido sa mga alyas na Arjun, 21; It, 20; Khaifal, 23; Khap Boy, 29; at Mat, 33.
Isinuko din ng mga bandido ang kanilang mga armas na kinabibilangan ng M14 rifle na may tatlong magazines, M16 rifle na may built-in 40mm grenade launcher, an Elisco brand M16 rifle na may isang magazine, dalawang granada, isa pang M16 rifle na may dalawang magazines, M16 rifle na may built-in M203 grenade launcher, at apat na bala para sa grenade launcher.
Ayon kay Quidilla tatratuhing rebel returnees ang lima at isasailaim sa rehabilitation program ng pamahalaan.