Lalaking nag-amok arestado matapos makuhanan ng ilegal na droga

Nauwi sa pag-aresto dahil sa droga ang simpleng reklamong ng pag-aamok laban sa isang lalaki sa Barangay Addition Hills Mandaluyong City.

Ayon sa Mandaluyong Police, nakatanggap sila ng tawag galing sa isang concern citizen dahil sa pag-aamok ng suspek na si Ferlan Torreon, 23-anyos na nasabing Barangay.

Subalit nang kapkapan nila ito nakuha mula sa suspek ang limang maliliit na sachet na hinihinalang shabu.

Nakapiit na ang suspek sa Mandaluyong City Police Station at nahaharap ito sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at Alarm and Scandal.

Read more...