San Felipe, Zambales niyanig ng M4 na lindol

Niyanig ng magnitude 4.0 na lindol ang bayan ng San Felipe sa lalawigan ng Zambales.

Naitala ang lindol alas 2:30 ng hapon ng Biyernes, July 19 sa 28 kilometers Northwest ng San Felipe.

May lalim na 19 kilometers ang pagyanig at tectonic ang origin.

Hindi naman ito inaasahang magdudulot ng pinsala at aftershocks.

Samantala, sa earthquake information number 2 ng PHIVOLCS ay ibinaba sa magnitude 3.8 ang pagyanig.

Read more...