Magsisimula ang repair, alas 11:00 ng gabi ng Biyernes (July 19) hanggang alas 5:00 ng umaga ng Lunes, (July 22).
Ayon sa DPWH – NCR, apektado ang sumusunod na mga lansangan:
EDSA Southbound
– mula Roosevelt Avenue hanggang Bansalangin Street, 1st lane mula sa sidewalk
– mula Magallanes hanggang Baclaran Bus Stop patungong Magallanes – Alabang Bus Stop, outer lane
– mula Eugenio Lopez Drive hanggang Scout Borromeo
EDSA northbound
– bago mag-New York Street, 1st lane mula sa sidewalk
C5 Southbound
– harap ng fronting SM Aura, 4th lane mula sa median
C5 northbound
– harap ng SM Aura, 4th lane mula median
Sasailalim din sa repair ang iba pang mga lansangan sa Metro Manila kabilang ang mga sumusunod:
– Regalado Avenue mula Mindanao Avenue Extension hanggang Quirino Highway 2nd lane mula sa sidewalk, northbound
– Katipunan Avenue paglagpas ng Quirino Memorial Medical Center, 2nd lane mula sa sidewalk, southbound
– Quirino Highway mula sa Junji Street hanggang Salvia Street, inner lane, eastbound
– General Luis Street mula sa Oriental Tin hanggang Pascual Road, eastbound
Pinapayuhan ang mga motorista na iwasan ang nasabing mga kalsada ngayong weekend para hindi maabala.