Liza Soberano at Enrique Gil, todo-bonding sa Amerika

Tuloy ang bonding nina Liza Soberano at Enrique Gil sa Amerika.

Ito’y habang nagpapagaling si Liza matapos operahan sa kanyang index finger.

Sa kanyang Instagram, ibinahagi ni Liza ang mga larawan nila ni Enrique habang namamasyal sa ilang mga lugar doon.

Makikita rin na may bagong look ang aktres at may bangs na ang kanyang hair-do.

Ilang linggo nang nasa amerika si Liza para sumailalim sa operasyon matapos ma-impeksyon ang na-injured na daliri.

Read more...