NBA superstar James Harden nag-invest sa isang sports club sa Houston

Bilang suporta sa kanyang mga kababayan, naglagak ng puhunan ang NBA superstar na si James Harden sa isang sports club sa Houston.

Nag-invest si Harden sa grupo na may hawak sa Houston Dynamo of Major League Soccer, Houston Dash of the National Women’s Soccer League at sa BBVA Stadium.

Sa isang statement, sinabi ng NBA guard na natutuwa siya na maging bahagi ng nasabing sports club.

Ayon sa ulat, binili ni Harden ang limang porsiyento ng properties na nagkakahalaga ng 475-million dollars.

Samantala, kapipirma lang ni Harden ng 4-year contract extension sa Rockets na may katumbas na 171-million dollar.

Read more...